We’ve updated our Terms of Use to reflect our new entity name and address. You can review the changes here.
We’ve updated our Terms of Use. You can review the changes here.

Mundong Malaswa

by Punk Magalona

/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.
    Purchasable with gift card

      name your price

     

1.
Anong nakain mo ba't ka bumait? Ngayong eleksyon ay sasapit Mapagbalat-kayo trapo ka ulol 'Di lahat ng tao ay tukmol 'Di na 'yan gagana Wala ka ng pag-asa Kabisado ko na 'yan Pantrapo mong galawan Pula ka man o dilawan Alam kong kagaguhan 'yan Akala mo lahat iyong mauuto Lahat naman kayo ay mga tuko Mapagbalat-kayo trapo ka ulol 'Di lahat ng tao ay pulpol
2.
Gago 02:16
Kay bilis ng panahon Nandito na tayo ngayon Mga bayaning namatay Kalayaan sa atin binigay Ngunit panahon man kay bilis Kasaysayan sa 'tin binuwis Landas naman natin lumihis At naghalong tubig sa langis Magnanakaw ang iniidolo (Gago!) Pati na rin istupido (Gago!) Pagod na kong makarinig (Gago!) Reklamo ng mga tuleg! Kay bilis ng panahon Marami ng traydor ngayon Mga bayaning namatay Salot natitirang buhay Panahon man sobra ang bilis Kabataan na nabubuntis Pangakong sobra ang tamis Nang mga nabuhay sa buwis
3.
Paglaya 01:51
Ang inis na dumadaloy sa aking mga ugat Ang luha na nagdidilig sa lupang nawala Ang sigaw ng kaluluwang lunod sa hustisya Ang ispiritu ng paglaya sa kamangmangan Ang tanong ay nakatulong o dinudugas ka lang Nakakabilib ang mga taong malawak ang pang-uunawa Paano na kaming nasa ilalim ng pangwawalanghiya Ang ispiritu ng paglaya sa kamangmangan Tapos na ang teatro, hindi kami luluhod Dapat kayong ipako, hindi kami luluhod
4.
Lason Ang TV 02:12
Uuwi agad ako Manonood kasi ako ng Paborito kong laro Susundin at gagawin Lahat ng sasabihin sa'kin 'Di ko kukuwestyunin Lason ang TV Lahat naniniwala Lahat nagtitiwala Darating si Prince Charming Na siyang mag-aahon sa Kahirapan natin Bibilhin ko lahat Mga produktong ilalabas Wala sa akin ang aawat
5.
Fertilizer fund scam, NBN-ZTE Nasa'n na si Jonas Burgos, Sino ba si Jose P.? Kaalyado mo si Gongdi, Reyna ng oligarchy Pondo ng PNP, naghello si Graci Akala mo bayad ka na sa akin may utang ka Akala mo bayad ka na sa amin may utang ka Tanginamo, Gloria Pondo ng Philhealth, NFA, at Charity Andami ng iyong ninakaw, proyekto mong tubong lugaw Nakulong, nagkasaket, lumaya, nakaw ulit Bakit nakulong ka na binoboto pa nila?
6.
Rebolusyon 02:16
Ayoko ng umayon Wala namang pag-ahon 'Di susunod sa dikta Sisirain na kita Pagod na sa sistema Araw-araw minumura 'Di na nasisikmura Kalagan ang tanikala Rebolusyon, Rebolusyon Rebolusyon, Rebolusyon Anarkista ang disenyo Pasabugin ang mga gago 'Di na nasisikmura Baklasin ang tanikala
7.
Musikang mapagpalaya 'Di mo raw ginagawa Puro ka lang paporma Lunod ka sa'yong pantasya Nagbago iyong motibo Nung mapansin ka ng tao Dinadaan mo lang sa ayos Kultura ay binusabos Daanin mo lang sa mukha Gawin mong bobo ang madla Gusto mong sumikat Gusto mong makilala ng lahat Wala namang talento Imahe mong imbento Galit siya sa kritisismo Ito ang laging sentimyento Balat-kayo sa sinasabe Basura ang 'yong mensahe
8.
Orkestrado 01:36
Kinukondisyon ang utak ng tao Sa nangyayaring gulo Dahil ang digma para sa kanila'y Isang malaking negosyo Digma'y kontrolado ng mga dorobo Isa lamang moro-moro Bayan napinsala sinong may sala Sa naglipanang bala Zamboanga, Luisita, Marawi, Isabela, Basilan, Kidapawan, Pagadian, Ampatuan
9.
Undas 01:50
'Di pa nga undas Nagkalat ng utas Simple na lang ang pumatay Para sa 'ting bagong buhay Mga bata tuwang-tuwa 'Pag may nakitang nakabulagta Ako naman natulala Nagtataka sa nakita Isang malaking tanong Bakit gan'to ating solusyon Isang malaking hala Bakit ka ba natatawa Sa ngalan ng pagbabago Nandito na ang impyerno Ako'y nangangamba Mga tao, tao pa ba? Araw-araw ang digma Buhay ang kinukuha Pekeng Diyos nagdidikta Binoto siya't sinasamba
10.
Rebulto 02:32
Nalingat lang ako nawala na ang pera ko Ang masakit sa lahat kapwa ko ang tumalo Nanghina ako sa mga nalalaman ko Wala na nga ba akong kakampi dito Ang susi ay nasa utak mo Ibenta mo kung ayaw mo Ang sanhi ng pagkakagulo Ang pagdanak ng dugo Ang rebulto na bato Ilang taon na akong naghahanap ng sagot Nalilito, 'di nagkakasundo, nasaan na ang talino Ang kalaban ay naroon, huwag na tayong magtalo Hindi ba kayo nahihiyang isulat sa kasaysayan 'to?
11.
Utak 03:01
Natutunan mo ng piktyuran ang pagkain mo 'Pag lumalabas kayo sinasabi mo pa 'to 'Di mo ba nararamadaman wala kaming pakialam 'Pag naiisip ko 'to ako'y naiiling na lang Dahil nagmumukha tayong tanga Ngunit dito ka sumasaya Nasa'n na ang utak mo, nasa'n ang utak ng tao Ano ang ginawa sa atin ng panahong ito? 'Di mo na alam kung ano ang totoo Naging alipin ka na ng virtual mong mundo 'Di mo ba nararamadaman wala kaming pakialam 'Pag naiisip ko 'to ako'y naiiling na lang
12.
Nayon 01:48
Panginoong Maylupa 'di ka na naawa Wala ng karapatan ang taumbayan Dahil ikaw ay ganid anak ka ni Hudas Lolo mo si Satanas, tyuhin mo si Barabas Puro kakupalan at garapalan Nangyayari sa 'ting bayan Wala ng makain ang nagpapakain May pagdurusa sa lupang sinasaka 'Di ako sang-ayon sa nangyayari sa nayon Ibagsak ang pyudalismo, 'yan ang aking layon Ang mga masa pinupuntirya Naghihirap sa sistema Dahil ikaw ay ganid anak ka ni Hudas Lolo mo si Satanas, tyuhin mo si Barabas Lupang sa atin pilit inangkin Naghaharing buwitre at pating Wala ng makain ang nagpapakain May pagdurusa sa lupang sinasaka
13.
Sobrang Bobo 02:51
Nung inakala mong kapatid nati'y 'di magtataksil Nung inakala mong kababayan mo'y di pasisiil Nung inakala mong 'yang syota mo'y pangmatagalan Nung inakala mo sa titser mo na lahat yayaman Ang dami na nu'n 'di ka na nadala 'Di ka na natauhan hayup ka Ang dami na nu'n sumambulat lahat Puro ka mali wala kang amat Ika'y sobrang bobo, tanga! Nung naniwala ka na pulitiko ang magliligtas Nung naniwala kang kaibigan mo'y 'di mang-aahas Nung naniwala ka sa palabas ni Tiyang Amy Nung naniwala ka sa internet illuminati
14.
Patay kung patay ang nagaganap dito Wala ng konsensyang natira sa mga tao Animo'y impyerno ang ating sinubukan Nakalimutan ang landas ng katwiran Madaling utuin ang mga taong nandito Walang lugar dito kaisipang subersibo Tinuturing na Diyos ang mga bobo Mga puta tinatratong mga santo Sa mga imahen sila'y nalulunod Nagpapalamon utak inuuod Sa bayang ito pinupuring mga gago Sinasabitan ng medalya mga diablo Kamatayan, kamatayan, Kamatayan ng katwiran

about

Ang unang album ng Punk Magalona na pinamagatang "Mundong Malaswa" ay inilabas ngayong taong kasalukuyan, 2021. Mula sa mga usapin hinggil sa pulitika, media, lipunan, ang bawat awitin ay pumapaksa sa dusang kinasasadlakan natin sa ilalim ng rehimeng Duterte.

Ang album na ito'y ni-record, tinimppla, at minaster sa Monopond Recording Studio ni Sir Ron Francisco.

Ang mga kanta'y orihinal na kinatha ng grupo.

Ang Punk Magalona:

Ose - Bass, Boses
Meynard - Gitara, Boses
Rex - Tambol
Josh - Gitara, Boses

credits

released June 8, 2021

license

all rights reserved

tags

about

Punk Magalona Manila, Philippines

contact / help

Contact Punk Magalona

Streaming and
Download help

Redeem code

Report this album or account

If you like Punk Magalona, you may also like: